top of page

6 Facts You Need To Know Before You Start Your Online Business

  • Writer: gtelen2015
    gtelen2015
  • Jun 20, 2017
  • 2 min read

Ang online business ay madali lang gawin. Kahit sino ay pwedeng gawin ito. Pero kung hindi mo alam kung panu, mahihirapan kang ma-achieve ang goal mo.

Siguro may napansin kana sa facebook ng mga kung ano anong pang ha-hype about online business. Mga kung ano-anong advertisement na siguradong maiinganyo kang sumali. Mga pang ha-hype katulad ng 'madali lang gawin kahit hindi ka techy' o 'kikita ka ng malaking pera sa loob lang ng maigsing panahon'.

Bago mo simulan mag online business, dapat mo muna malaman ang mga katotohanan sa online business.

1. There is no such thing called a get rich quick program. Wag papa silaw sa mga post at baka hindi mo ma meet ang expectation na gusto mo. Ang online business ang isang mahabang proseso bago ka kumita. Lalo na kung nag sisimula ka palang. Marami kang dapat aralin. Baka maubos muna ang pasyensya mo bago ka kumita.

2. Beware of hypers. Hindi ganun kabilis kumita ng malaking pera sa loob lang ng isang buwan o sa mabilis na panahon lang. Kung nag sisimula ka palang sa online business mo, sigurado ako na hindi mo magagawang kumita ng malaki agad katulad ng nasa picture.

3. There is no business that does not require effort. Sa simula ng isang negosyo kakaylanganin mo talaga ng maraming oras. Oras para aralin ang negosyo. Oras para mag set-up ng system. At kahit natapos mo na ang pag set-up at natapos mo na aralin ang negosyo, kaylangan mo padin mag laan ng oras araw araw para maka generate ng leads (prospect list).

4. There is no business that does not require time. Sa isang online negosyo kaylangan mo talagang mag build ng leads (prospect list) para maging successful sa business mo. Kaylangan mo ng 2-3hours everyday para maka-generate ng leads. Kung nag sisimula ka palang malamang hindi lang 2-3hours a day ang kaylangan mo.

5. There is no business that does not require money. Kung seryoso talaga ang hanap mong negosyo, kaylangan mo talagang gumastos. Walang seryosong negosyo na hindi kaylangan mag laan ng puhunan. Panu kikita yung negosyo kung walang perang umiikot.

6. You will need to expect to spend the above amounts for several months before expecting any kind of revenue. Kung may nakita kang maliit na puhunan sa online negosyo, mahihirapan ka padin kumita kung aasa kalang sa system nila. Kahit mag post kapa ng mag post sa facebook ng online business mo, sa ngayon swerte nalang kung may pumasin sa post mo. Kung seryoso ka talaga sa online business mo kaylangan mo talagang gumastos. Halimbawa ng mga pag gagastusan mo ay ang personal website mo na may monthly payment na kaylangan, facebook paid ads para sa traffic leads mo (prospecting list), system na pang follow-up sa leads mo katulad ng getresponse at aweber na parehas may monthly payment.

Isa sa maipapayo ko sayo ay wag kang pumasok sa isang online business kung hindi mo kayang gawin ang mga nabangit ko sa itaas.


Comments


About me

We cannot escape from health problems but the question is when? No matter what...

Follow Me
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon
Email for Enquiry

Success! Message received.

bottom of page